squatter na naman po ako sa bahay ni Kuya...Russ. kahapon pa ako ng hapon nandito, kasi kaarawan nga nya, at gusto kong subukan yung kaisa isang putahe (ng ina mo) na alam kong lutuin. at nakulangan pa talaga ako bawang. nanghiram na ako ng t-shirt, naki hitch sa pagkain, nkahingi na ako ng napkin sa nanay niya, naki hitch sa internet (as yu si naw), at maloloka ako sa dami ng babasahin ko ngayong gabi. at hindi pa ako naliligo. hahahaha. (magtataxi na siguro ako pauwi.)
may nag-aaway sa tv. bakit daw pinagpapatuloy ni lalaki ang panliligaw, sabi ni babae. stop it na daw. how can you say daw na you're serious about me when your parents don't even know my name daw. (ah, excuse me, gusto niyo gawin thesis ko?)
sumasakit na ang ulo ko sa kakaharap sa monitor (simula mga alas dos ng hapon, pagkatapos manood ng dalawang pelikulang nakakabagbagdamdamin na nagpaisip sa akin na wala nga naman palang mga kwenta yung mga kaibigan at mga kaklase ko noon). iskwater na talaga ako, kaya pag natapos kong iatach ang files ko sa aking email, exit na ako.