2006-03-19

ang mga kabalbalan na aking nagawa simula nung isang araw:

Biyernes: umuwi ako ng alas diyes ng gabi, matapos kong ihatid ang aking evaluation form sa aming reporter. pumunta kina owen, kinuha ang mga gamit na naiwan. uuwi na sana, kaya lang pinilit ako ng kape, sigarilyo at war craft na manatili na muna doon. imbis na mag edit ay naglaro ako ng warcraft hanggang alas singko ng umaga. nakisiksik na ako sa kama na hinigaan ni owen at joan.

Sabado: nagising ako alas nuwebe ng umaga. umuwi, naligo, pag sapit nga alas onse pumunta na ako dito kina russ. tapos pumunta sa yo latino, nagpeform kami sa awarding ng txtigmo (txtkugmo). wala lang. bumalik dito, nagluto nung kaisa isang putahe (ng ina mo) na alam ko. nagpakabusog, kumain ng sangkatutak na pagkain, nag 1-2-3 pass kasama ang mga kaibigan, kumain, nag charrade, kumain, nanood movie natulog.

Linggo: (buti buhay pa ako) kumain, nanood ulit ng dalawang pelikula, nalaman kong dinatnan ako kaya humingi ng napkin, nag internet at heto't napapanis na ako....