bakit kapag ako ang pagod, nagrereklamo ang mga tao. bakit naman pag sila ang pagod ayaw nilang magpagalaw.
...
ang gustong gusto kong gawin pagkatapos na pagkatapos ng lahat ng kailangan kong gawin para sa eskwela... umalis, magwala. hindi ako iinom. pupunta ako kung saan malapit sa dagat. magsasama ako ng isa, isa lang, isang kaibigang hindi ko gaano nakakasama. bunot bunot na lang siguro kung sino, gagawa ako ng talaan ng mga pangalan ng mga kakilala ko, eenie meenie mayni mo, ewan ko sa lolo mo.
...
dulot na rin siguro ng stress, pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang gusto ko na bigla na lang, hindi ako makikilala ng mga kaibigan ko.
...
may litrato ng isang mamang nasagasaan, basag ang bungo, nagkawatak watak ang utak, nakakakalat sa daan. pinadala sa email ko. hmmm....