ang bagong battlecry namin sa aming pagharap sa mga hukom anytime dis week, kasabay ang background sound efex na...Unti-unting mararating kalangitan at bituin...unti unti kinabuksan ko'y magniningning...hawak ngayoooo'y tibay naaaang damdamiiiin...... (ako si jessa....at ako naman si chai...at ito ang aming kwento....)
FAKYU MONGGOYEEEEEN!!!!!
doon ako kina owen hindi matutulog...at bakit hindi? alam ko naiinis na yung tao sa pabalik balik ko doon. pasensiya na, sisiguraduhin kong 72 ang font size ng pangalan mo sa credits ng video namin. setback: baka 'O' at 'W' lang ang makita sa screen (at sino si OW?)
mauubos na ang mga hininga namin sa kakatawa. kanina pa ata kami fayumonggoyen ng fakyumonggoyen. wala nang ibang lumalabas sa bibig namin. fakyumonggoyen, masaya naman kasi siyang pakinggan eh. kung hindi ka nakakarelate, manood ka ng southpark. ewan ko kung anong episode yun, basta yung naparanoid silang lahat dahil sa kidnapping.
....
ilang araw na ang nakalilipas pero parang hindi pa ako natutunawan sa mga kinain ko nung kaarawan ni russ. simula lunes, gitugutom ako, tapos kumakain naman ako nawawalan ako ng gana at pakiramdam ko ay busog na ako. kaya pinipilit ko na lang kumain. lunok lunok lunok. golk golk golk.
...
at hetong pasabog, tagilig nanaman po si Kurdapya Dimaculangan sa kanyang PI 100. matapos mag iskwater ay hindi nakapag-aral ng mabuti sa sakit ng ulo na dinulot ng walang tigil na panonood ng mg pelikula at kaka internet (extension ng celebration ng bertdey ata. pakwan, chichiria at punch naghalo halo sa tiyan. pero masaya naman, at least ba parang wala yung feeling na biglang nauudlot ang selebrasyon--anu pa man ang okasyon--tulad ng mga panahon na matutulog ka lang tapos pag gising mo, ay, wala na, tapos na. di gaya nung akin, walang tao, pinilit ko pa yung bisita ko na pumunta. o sige na, sad memories always mek mi kray). ah basta, kahit na, masaya yun, kahit dalawang araw ka nang nangangamoy at napapanis. yun bang mga panahon na matatandaan mo talaga--memorable---kasi pagod ka na, dumadating pa rin...
...
heto pa ang mas pasabog.
NANAY: O, kelan graduation mo?
CHAI: April 26 po.
NANAY: Anong kakailanganin mong damit? sapatos?
CHAI: (Naku po, Diyos na mahabagin...) ah, eh, hinihintay pa po namin ang final list ng mga gradweyts (Aba ginoong Maria from thy bounty through Christ our Lord Emen.)
...