2009-08-18

Babala sa mga tatawag sa mga opisinang pang gobyerno

Sa mga kailangang tumawag sa mga Opisinang pang gobyerno, mag-handa... ng napakahabang pasensya at oras.

Kung kunwari kayo ay may kailangan sa, e.g. TESDA, o di ba kaya sa PESO office, at pinatatawag uli kayo ng e.g. alas nuwebe ng umaga, magsimula nang mag-dial simula alas siyete pa lamang, para magulantang na sila pagbukas ng pinto at first-call-first-served ka naman. May mga theory sa likod ng sitwasyong ito:

1) malamang, inip na inip na ang tamad na mga opisyal na ito na ang agang nanananghali-an, at ang tagal kung bumalik, at biglang lumiliksi pagsapit ng alas singko, kung kaya naman pinagti-tripan nila ang mga taong tumatawag sa kanila: para kang basketbol na ipinapasa-pasa sa iba't ibang numero at opisina hanggat sa umabot ka uli sa pinakaunang taong kinausap mo kanina.

2) dahil walang tao sa opisina dahil nga nanananghali-an pa sila, limang taon pa bago ka sagutin.

3) walang pera sa gobyerno dahil kinukupit ng kung sinu-sinong opisyales na naghahain na naman ng sangkatutak na kasinungalingan ngayong malapit na ang eleksyon, kung kaya ang mga empleyadong ito ay naging hardworking: mahirap pagtrabahuin. Masusungit pa.